mga bansang hindi maunlad, lalo na ang may laganap na kahi-rapan
2:
pang-kat ng mga bansang nagsisimula pa lámang umunlad sa panahong Cold War, lalo na sa Asia at Africa, na hindi pumapanig sa mga pata-karan maging ng Estados Unidos o ng Unyong Sobyet
world war
:
digmaang pandaigdig
world ór•der
:
sistema ng pagpapanatili ng kaayusan sa daigdig, lalo na ang pandaigdigang pangkat ng mga kasunduan sa pangangalaga ng kapayapaang pampolitika
World Health Organization (world helt or•ga•ni•zé•syon)
:
sangay ng United Nations na itinatag noong 1948 upang mangalaga sa kalusugan at makontrol ang paglaganap ng mga karamdaman sa daigdig
Seven Wonders of the World (sév•en wán•ders ov da world)
:
pitóng pinakadakilang estrukturang likha ng tao at unang binubuo ng (1) mga piramide ng Egypt; (2) Nakabiting Halámanan ng Babylon; (3) Mausoleo ng Halicarnassus; (4) templo ni Artemis; (5) Colossus sa Rhodes; (6) estatwa ni Zeus sa Olympia; at (7) Pharos ng Alexandria